NAGA CITY – Paunti-unti nang nararamdaman na nakakabawi na ang mga nagnenegosyo sa Naga City, kumpara noong mga nakaraang taon na nasa pandemya pa.
Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Joe Perez, Committee Chair on Culture and the Arts, at bilang nasa larangan na rin ng pagnenegosyo. Aniya, may mga bagong commercial building na rin ang binuksan ng ilang kompanya o negosyo para sa extension ng pwesto, marami na rin ang nagsisibukasan na mga kainan o tindahan, at may ilang kompanya pa mula sa ibang lugar ang nagpakita na ng interes na magtatayo ng negosyo at ngayon nga isang shopping mall ang nakatakdang buksan ngayong darating na Hulyo.
Maliban pa riyan pagdating naman sa turismo paunti-unti nang nagiging makaulay muli ang lungsod, nakapag-install na ng Historical Marker, at mamayang hapon nakatakda na ring buksan ang bagong Branding ng Turismo na magdadala ng panibagong atraksyon para sa lungsod.
Maging ang pagpromote lalo na ngayong 76th Charter Anniversary ng lungsod na nagbukas ng mga panibagong opurtunidad matapos magbukas muli ng Agri-Fair lalo na sa mga maliliit na negosyante, Kinalas Festival, mga konsyerto ay pinapanatiling mas lumawak pa upang mas makilala bilang pagpapayaman na makikinabang ang marami hindi lamang ang lungsod ng Naga.