𝗣agiging top corn producer sa bansa, napanatili ng 𝗥ehiyon 𝗗os

Nananatiling top corn producer ang Lambak-Cagayan at top 2 rice producer sa buong bansa.

Ito ang inihayag ni DA Regional Field Office 2, Regional Executive Director Rose Mary Aquino kung saan noong 2023 ay umabot sa 2, 033, 256 metriko tonelada ang produksyon ng mais sa rehiyon at 23% ito sa National production.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Habang sa palay naman ay pumangalawa pa rin ang rehiyon na mayroong 3, 026, 087 metriko tonelada na produksyon o katumbas ng 17% sa national production.

Paliwanag ni RED Aquino, bagama’t pangalawa lamang ang rehiyon sa rice production ay pinakamataas parin ito sa sufficiency level na umabot sa 304%.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ito ay nangangahulugang malaking bahagi ang surplus sa rehiyon dos sa pagpapakain sa mga mamimili o kumokonsumo sa Metro Manila.

Bukod dito, kilala pa rin ang rehiyon dos sa apat na commodity capital na kinabibilangan ng pagiging Monggo capital ng San Mateo, Corn capital ng City of Ilagan, Peanut capital ng Enrile at Citrus Capital of the North ng Kasibu.