Negosyanteng Sri Lankan National at fiancé nito biktima ng hold up sa Camarines Sur

NAGA CITY – Nabiktima ng pang hohold up ang isang Sri Lankan National at fiancé nito sa Goa Camarines Sur kung saan natangay ang cellphone at pera sa isang gasolinahan dakong 9:39 ng gabi nitong Hulyo 20, 2023 sa Brgy. Balaynan ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad lumalabas na habang ang biktima na sina Reva May Avila at ang kaniyang fiancé na si Duminda Ratnayake y Sanjeewa, Sri Lankan National at parehong nakatira sa Brgy. Pinaglabanan, Goa, Camarines Sur.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

May biglang dumating na motorsiklo sakay ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na nanutok ng baril , nagsabing “Give me all your money or I will kill you, we only want money” sabay kuha ng cellphone ng isa sa mga biktima na nagkakahalaga ng P50,000, kasama rin sa natangay ng mga suspek ang cash na P32,000.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Tukoy na ng mga otoridad ang mga suspek na nakita sa CCTV footages.