Mass vaccination ng mga alagang aso sa Legazpi City, pansamantalang hininto matapos maubusan ng suplay ng mga bakuna

LEGAZPI CITY – Pansamantalang muna itinigil ng Legazpi City Veterinary Office ang mass vaccination sa mga barangay sa lungsod para sa mga alagang aso.

Ayon kay City Veterinarian, Dr. Emmanuel Estipona, ito ay dahil naubusan sila ng supply ng mga bakuna.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Aniya, hindi lamang ang lungsod ang naubusan maging ang iba ring lugar.

Binigyang-diin nito na pinoproseso na rin ng central office na makabili ng bakuna para sa mga alagang hayop upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng mga nakakagat sa mga barangay.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Tiniyak din ni Estipona, oras na magkaroon ulit ng supply, agad silang magsasagawa ng pagbabakuna sa mga barangay.