NAGA CITY – Pekeng pera ang ibinayad sa isang cellphone repair and accessories sa Naga City nitong Sabado.
Salaysay ng negosyante, bumili ng connector ang costumer na nagbayad ng P1,000.00, sinuklian ito ng P800.00 , huli na nang mapagtantong mas maikli ang pera sa totoong one thousand peso bill.
Nag-paabot na sila ng sumbong sa PNP at nakakuha ng CCTV footage.
Kaugnay nito nagbigay ng mga paalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas- Naga Branch upang maiwasan na mabiktima.
Sinabi sa Brigada News FM ni BSP Area Director Carina Del Rosario, mayroong tatlong paraan upang malaman kung tunay o peke ang pera sa pamamagitang ng FLT o ang Feel, Look and Tilt.
FEEL- Salatin ang gaspang ng Security Paper, Prints at Tactile Marks.
LOOK- Tinggan ang itsura ng Watermak, Security Fiber, Serial Number at See- Though Mark
TILT- Itagilid ang mas naaninagan ng Security Thread , Concealed Numerical Value, Device Patch , Enhanced Value Panel.
Ang mga paraang ito ang makakapagsabi kung tunay o peke ang pera bukod pa sa fake money detector machine.