24 na elepante sa India na inakalang pinatay matapos matagpuang walang malay, nag “shot puno” lang pala!

NABAHALA ang mga residente sa  Odisha, Eastern India matapos nilang matagpuan ang aabot sa mahigit 20 elepante sa nasabing lugar na pawang walang mga malay.

Ang buong akala nila ay pinatay o di kaya ay nilason ang mga ito ngunit laking gulat ng mga residente matapos mapagtantong nalasing ang mga ito nang kanilang ma diskubreng malapit sa pagawaan ng alak mahimbing na natutulog ang mga giant mammals.

Natuklasan din umano ng mga wine maker sa lugar na pinakialaman ng mga elepante ang mga banga kung saan nakalagay ang tinatawag na “mahua water” – isa ito sa mga mahahalagang sangkap sa paggawa ng “mahua liquor.”

Dahil sa labis na kalasingan, lubhang naging malalim ang tulog ng mga elepante kung kaya’t kinailangang gumamit ng napakalakas na tambol para lamang sila ay magising.### JDR