NEDA – walang nakikitang dahilan para ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas

Sinegundahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang naging pagtutol ni Pangulong Bongbong Marcos sa paghiwalay ng Mindanao sa nalalabing bahagi ng bansa.

Sa Saturday News Forum – sinabi ni NEDA Usec. Rosemarie Edillon na wala silang nakikitang dahilan para ituloy ito.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Aniya, pumabor sila sa naging reaksyon ng Pangulo na ‘doomed to fail’ na ang naturang plano.

Dagdag pa niya, maliban daw sa magiging economic cost nito – mas malaki ang epekto nito sa social cost.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Sabi ni Edillon, ang Mindanao ay nagco-contribute ng 16% sa ekonomiya ng bansa; at 31% din sa ating kabuoang agricultural sector.