NEA, senelyuhan ang deal para sa karagdagang free 2-month power supply sa Occ Mindoro

Kinumpirma ng National Electrification Administration (NEA) na senelyuhan na nila ang kasunduan para sa dalawang buwan na karagdagang power supply para sa probinsya na isusubsidiya ng gobyerno.

Ang naturang hakbang ay sa gitna ng nararanasan ng mahabang power outages sa Occidental Mindoro.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Ayon sa NEA, na simula sa April 29, ang mga residente ng Occidental Mindoro ay makakakuha ng anim hanggang pitong oras na kuryente araw-araw sa loob ng dalawang buwan, matapos makakuha ng kasunduan sa Power Systems Inc. (PSI) para mag-operate ng power plant sa San Jose.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ang power plant, na pangangasiwaan ng NEA alinsunod sa kanilang kasunduan sa PSI, ay may dependable capacity na lima hanggang anim na megawatts (MW). //MHEL PACIA-TRINIDAD