NEA, may karapatang i-takeover ang pamamahala ng kuryente sa Albay – Gobernador ng Albay

LEGAZPI CITY – Binigyang-diin at linaw ni Albay Gov. Noel Rosal sa isinagawang presscon na may karapatang mangasiwa o magtake-over ang National Electrification Administration (NEA) sa pamamahala ng kuryente sa lalawigan ng Albay.

Sa pahayag ng gobernador, sinabi niyang ito ay nakaangkla sa Section 4-B ng Republic Act 10531 o ang National Electrification Administration Reform Act of 2013.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Aniya, hindi tatanggalin anumang mga bagay o isyu ang lumabas katulad na lamang ng mga utang, bagkus, ito ay i-se-set aside lamang ng NEA at sila ang mangangasiwa, dahil kapakanan ng mga tao ang nakasalalay dito.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Gayunpaman, pinaghahanda pa rin ni Rosal ang Albay Electric Cooperative (ALECO) kahit pa ang NEA ang mangangasiwa sa kuryente dahil marami pa ang dapat na asikasuhin para sa anim na buwang transition phase.