NDRRMC, naglabas ng mga direktiba kaugnay ng paghahanda matapos ang pagputok ng Bulkang Bulusan

SORSOGON CITY – Naglabas ng direktiba ang Natl Disaster Risk Red’n ang Mgnt Council (NDRRMC) sa Bicol Regl DRRM Council (RDRRMC) kaugnay ng mga paghahanda matapos ang phreatic eruption ng Bulkang Bulusan noong Linggo.

Sa inilabas na memorandum order, pinaalalahanan ang Bicol RDRRMC sa ipinagbabawal na pagpasok sa 4km radius permanent danger zone o PDZ at ang pagbabantay sa 2km extended danger zone dahil sa banta ng muli pang pagputok ng bulkan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Binigyan din ng abiso ang mga ahensya sa rehiyong Bicol na tiyakin na ang mga abiso mula sa awtoridad ay naipaparating ng mga local na pamahalaan sa mga apektadong lugar para sa pagsasagawa ng mga karampatang paghahanda gaya ng pagsunod sa posibleng muling paglilikas o evacuation at iba pang mga pag-iingat.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Nagpapatuloy din ang koordinasyon ng OCD, NDRRMC, Bicol RDRRMC at ng Phivolcs hinggil sa sitwasyon at mga kaganapan kaugnay ng Bulkang Bulusan.

Tuloy-tuloy rin ang paglalabas ng abiso, emergency text alerts at mga paalala para sa kaligtasan ng mga apektadong residente sa Sorsogon.

Nakaantabay din ang NDRRMC Operations Center.