DENR naniniwalang mas nagiging “aware” na ngayon ang mga tao sa kahalagahan ng mga bakawan

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bumaba na ang mga naitatalang insidente ng pamumutol ng mga bakawan o mangrove ngayong panahon kumpara noong mga nagdaang taon.

Ayon kay DENR- PENRO Marlon Francia, bunga ito ng pagtutulungan  ng mga opisyal ng barangay at tumaas na rin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mga bakawan.

Bukod sa Mercedes Critical Habitat na unti- unti nang nakikilala ngayon ay marami pa umanong mangrove area ang Camarines Norte.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang mga bayan na mayroon ding malalawak na mangrove area ay ang Jose Panganiban, Paracale, Capalonga at mayroon din sa bahagi ng San Nicolas, Talisay.

Ayon kay Francia magkakaroon ng resource inventory ang DENR upang alamin kung ano- anong mga species ang nanahan sa mga lugar na nabanggit.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Baka raw kasi mayroong madiskubreng mga kakaibang species na pwedeng gamitin bilang ecotourism at maprotektahan kung kinakailangan.

Importante ang mga bakawan dahil bukod sa pangitlogan ito ng mga isda at ng iba pang yamang dagat ay nagsisilbi rin itong proteksyon sa mga tao sa sakuna lalong lalo na sa daluyong ng tubig kapag mayroong malakas na bagyo.

Ngayong Hunyo ay ipinagdiriwang ang Philippine Environment  Month.