Bilyon-bilyong halaga ng pananim sa Negros Occidental, hindi nakaligtas sa hagupit ng Odette

Hindi nakaligtas mula sa hagupit ng Bagyong Odette ang tinatayang nasa P4.4-bilyon na halaga ng pananim sa Negros Occidental.

Sinabi ng provincial agricultural office na tinatayang nasa 23,000 magsasaka ang naapektuhan ng bagyo.

Read More:  Suspected P10-M ecstasy shipment from Canada leads to American’s arrest

Bukod sa mga pananim ay nagtamo rin ng pinsala ang mga paaralan, seaports at iba pang mga imprastraktura.

Tinatayang nasa 7,000 imprastraktura sa lalawigan ang totally damaged habang nasa 33,000 naman ang partially damaged.

Read More:  Suspected rocket debris recovered along Palawan coast

Pumalo naman sa humigit kumulang 181,000 na residente ang nawalan ng tirahan.

Inihayag naman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na tinatayang aabot sa P5.89-billion ang halaga ng pinsala na tinamo ng Negros Occidental.