Umabot na sa 33 mga aftershocks ang naitala kasunod ng magnitude 6.3 na lindol na tumama sa Calatagan Batangas.
Ayon sa National Disaster Risks Reduction and Management Office na patuloy nilang minomonitor ang mga lugar na nakaranas ng pagyanig dahil sa posibleng maapektuhan ng mga aftershocks.
Nakitaan naman ng mga maliliit na bitak ang ilang mga imprastraktura sa Calatagan, Batangas matapos yanigin ng magnitude 6.3.
Ayon kay Calatagan Mayor Peter Oliver Palacio maliban sa mga minor infrastructure damage, wala nang ibang danyos ang naitala sa kanilang bayan.
Dagdag pa nito wala din naitalang injury o nasawi sa kanilang lugar dahil sa lindol.
Sinabi ni Palacio na sinunod ng kanyang mga kababayan ang safety procedures tuwing may lindol lalo’t katatapos pa lamang ng Nationwide Simultanaeous Earthquake drill noong nakaraang linggo. (JC Javier- Brigada Intern)
