NCRPO, pinalakas ang crackdown laban sa loose firearms sa gitna ng paghahanda sa 2025 midterm elections

Pinalakas na ng National Capital Region Police Office ang kanilang kampanya laban sa loose firearms sa gitna ng paghahanda sa 2025 midterm elections.

Kaugnay nito, naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District ang lalaking suspek matapos na iligal na magbenta ng baril.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Narekober sa kanya ang isang .38 caliber revolver, mga bala at marked money sa operasyon.

Napag-alaman din na sangkot ito sa shooting incident noong October 14 kung saan isang babae ang nasugatan.

Samantala, sa hiwalay na operasyon, naaresto ang tatlong suspek sa Caloocan city matapos din masangkot sa shooting incident.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Isang 18 anyos na lalaki ang biktima.

Sa follow-up operation naaresto ang mga suspek at narekober ang .38 revolver na baril.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.