Naghain ng petition for certiorari and prohibition ang 1SAMBAYAN Coalition, mga miyembro ng UP Law Class 1975, at iba pang indibidwal, para hilingin ang pagpalabas ng temporary restraining order para tutulan ang paglipat ng 89.9 billion pesos na labis na pondo ng Philhealth sa National Treasury.
Ayon kay Former Supreme Court Associate Justice Tony Carpio, direktang paglabag ang paglipat ng budget para pondohan ang unprogrammed appropriations.
Umaasa ang grupo na kapag naglabas ng TRO ang korte suprema mahihinto rin ang mga umano’y dangerous budget practices ng gobyerno.
Hindi rin anila ito usapin lamang ng kasulugan kundi usapin sa tamang paggastos ng pera ng taumbayan.
Ngayong araw ang ikatlong tranche at nakatakdang maglipat ng P30 billion pesos ang Philhealth sa National Treasury.