NCRPO – nag-deploy ng halos 1.4K personnel para sa pagbabantay sa COC filing simula bukas

Kasado na ang Naitional Capital Region Police Office (NCRPO) para sa pagbabantay ng filing ng certificate of candidacies (COCs) simula bukas.

Nag-deploy ang NCRPO ng 1,389 personnel sa iba’t ibang filing centers sa buong Kamaynilaan.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Ito umano ay para matiyak ang kapayapaan sa paghahain ng ng kandidatura ng mga political aspirants, mapa-local man, ‘o national seat.

Inatasan ang mga ito na masigurong mataas ang police visibility, mag-assist sa mga help desks para sa mga kandidato at publiko, at gayon din sa crowd control, lalo na sa mga areas na maiinit ang halalan.

Read More:  Endangered crocodile rescued in Valenzuela City

Umapela naman si NCRPO director PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa publiko ng kooperasyon at pang-unawa para sa mapayapang COC filing.