Nahaharap ngayon sa kasong rape ang isang 40-anyos na lalaki matapos nitong gahasain ang kanyang sariling ina sa bayan ng Candijay, probinsya ng Bohol.
Nangyari ang panggagahasa sa loob mismo ng kanilang tahanan alas-5 ng madaling araw, noong Biyernes. Ayon P/Capt. Albert Sator hepe sa Candijay Police, lasing umano ang suspek ng mangyari ang insidente.
Sa sumbong ng biktima sa mga otoridad, hindi ito ang unang beses na pinagsamantalahan siya ng kanyang anak, ngunit nung una ay pinagbantaan siyang papatayin nito.
Matapos magreport sa pulis ang ginang, agad na nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya at nadatnan ang suspek sa bahay nito na lasing.
Napag-alaman rin na ang naturang suspek ay isang ex-convict sa kasong murder at nakulong sa Davao Penal Colony ng 14 na taon at kakalabas lang nito sa kulungan.
Sa ngayon, balik selda ang suspek sa Candijay Police Station custodial facility. (with reports from WENDILYN MANLANGIT-CARREON – 90.7 BNFM CEBU)