Nanguna ang National Capital Region (NCR) sa unang araw ng Palarong Pambansa medal standings.
Kaugnay rito, nakakuha ang NCR ng 4 golds, 6 silvers, at 3 bronze na medalya.
Samantala, may naitalang injuries sa torneo partikular na doon sa oval track dahil ito’y madulas dala ng ulan.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Marikina City Government ang pinsala, at kung mapatunayan makakatanggap ng free hospitalization ang mga injured na student athlete mula sa lokal na pamahalaan ng Marikina.
