NCR mayors, tatalakayin ang IATF policy na payagan ang mga edad 5 pataas na lumabas

Nakatakdang magpulong ang mga alkalde ng National Capital Region (NCR) bukas para talakayin ang bagong polisiya ng gobyerno na payagan na ang mga batang 5 taong gulang pataas na lumabas ng bahay sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ipatutupad ang bagong polisiya sa mga lugar na nakasailalim sa community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) pero hindi sa mga lugar na nakasailalim sa GCQ with heightened restrictions kasama ang Laguna at Cavite.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos, pwedeng magdesisyon ang mga lokal na pamahalaan kung paano ipatutupad ang polisya depende sa mga lugar na open spaces.

Sinabi naman ni Cabinet Secretary and IATF co-chairperson Karlo Nograles na pwedeng itaas ng LGUs ang age requirement kung di pa sila komportableng lumabas ang mga 5 taong gulang.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Mababatid na kinunsidera ng IATF ang mental health ng bata sa pagpapatupad ng polisya.

Sa ilalim nito, pinayagan na rin ng pamahalaan ang mga 5 years old na sumali sa outdoor non-contact sports at kumain sa alfresco dining establishments.

Gayunman, di pa sila pwedeng pumasok sa mga malls na ang pinapayagan lang pumasok ay mga 15 anyos pataas.