Aabot sa 28 million pesos na halaga ng marijuana plants ang muling binunot at sinira sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga noong July 9, 2021.
Isinagawa ang naturang operasyon sa pamamagitan ng OPLAN 16 Wacky sa dalawang plantasyon ng magkatuwang na pwersa ng Kalinga Police Provincial Office at PDEA KPPO.
Binunot at sinunog ng mga operatiba ang tinatayang mahigit 100,000 na fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng 22 million pesos sa tinatayang mahigit 5,000 square meters na plantasyon.
Habang nasa 50,000 na gramo naman ng marijuana stalks na nagkakahalaga ng 6 million pesos ang nadiskubre sa isa pang site.
Ayon pa sa pulisya, ang mga pinagsusunog na mga marijuana stalks ay mga bagong harvest habang ang mga pananim ng fully matured marijuana ay handa na umanong anihin.
Ang matagumpay na operasyong ito ng kapulisan ay bahagi rin umano ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan sa mga drug affected barangays sa nasabing bayan.