Wala pang nabubuong pag-uusap ang mga alkalde sa Metro Manila hinggil sa panukalang i-deescalate ang capital region sa Alert Level 0.
Ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, dahil sa tinatawag na deltacron, o yung dalawang variant na kumbinasyon, mananatili muna sa ngayon ang NCR sa Alert Level 1.

Para kay Olivarez, mas maganda ngayon ang status quo muna.
Samantala, bagama’t may ilang mga eksperto na nagsasabing hinog na ang NCR para sa pandemic exit, may iba naman na nagbababala hinggil sa lalo pang pagluluwag ng restrictions dahil sa 2022 election campaign period.