Inilabas na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nasa P8.35 million sa mga establisyemento sa Central Luzon, ang unang batch ng mga recipients ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) 3.
Sa ilalim ng CAMP 3, ang mga private-sector workers sa mga lugar na ideneklara sa Alert Level 3 ay bibigyan ng one-time financial assistance na P5,000.
Ang naturang programa ay saklaw ang nasa mahigit 700 establisyemento na kinabibilangan ng 15,000 workers.
Mababatid na ang Bulacan ay isinailalim sa Alert Level 3 epektibo noong January 4, habang ang Pampanga, Bataan, at Zambales ay isinailalim sa parehong alert level noong January 8, habang January 14 sa Nueva Ecija at January 16 sa Aurora.

Sa ngayon, ang lahat ng naturang mga probinsya ay nagluwag na ng restrictions sa Alert Level 1, maliban sa Nueva Ecija at Zambales.