Ph, nagtala ng 564 na mga bagong COVID infections

Nagtala ang Pilipinas ng 564 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang nationwide tally sa 3,670,739.

Kaugnay nito, ang active case count ay nasa 46,537 pa, habang 3,566,592 ang kabuoang bilang na ng recoveries, at ang death toll ay umakyat sa 57,610.

Samantala, batay sa huling datos, nasa 24.64% mula sa 3,701 total intensive care unit (ICU) beds para sa COVID-19 patients nationwide ang gamit, habang 22.04% ng 20,773 COVID isolation beds ang utilized, at 13.66% ng 14,037 ward beds nationwide ang okupado.

Naitala naman sa National Capital Region ang may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa 2,307 infections, sinundan ng Region 4-A sa 1,253, at Region 6 sa 903.