‘NCR, malabo pang isailalim sa MGCQ pagkatapos ng June 15’

Di pa umano tamang panahon para isailalim na ang NCR Plus sa mas maluwag na restrictions o modified general community quarantine (MGCQ) status pagkatapos ng June 15 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa isang panayam, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na mataas ang tsasang isasailalim ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa ordinaryong GCQ simula June 16.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Ayon sa kalihim, mataas pa rin ang COVID-19 cases at di pa nakakabalik ang rehiyon sa bilang ng cases bago pumasok ang mga bagong variants.

Aniya, bago ma-detect ang mga bagong COVID-19 variants sa bansa, nasa 1,000 bagong COVID-19 cases ang naitatala sa Metro Manila kada araw at noon, hindi isinailalim ang NCR sa MGCQ.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Mababatid na nakasailalim ngayon ang NCR Plus sa GCQ with restrictions hanggang bukas.

Nakatakdang magpulong ngayong araw ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), para talakayin ang susunod na quarantine classifications di lamang sa NCR Plus kundi pati na rin sa ibang areas.