BICOL—Pumalo na sa 15,034 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng panibagong 215 na kaso ngayong araw.
Sa ulat ng Department of Health (DOH) Bicol, nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na mayroong 85 kung saan 30 nito ay mula sa Naga City, tigpito ang bayan ng Buhi at Nabua, anim sa bayan ng Canaman, lima sa bayan ng Pili, tig-aapat ang lungsod ng Iriga at mga bayan ng Miloar at Pasacao, tigtatlo ang bayan ng Goa at Magarao, tigdalawa ang bayan ng Bula at Ocampo at tig-iisa ang mga bayan ng Baao, Calabanga, Caramoan, Del Gallego, Minalabac, Pamplona, Ragay at San Fernando.
Sumunod sa may mataas na bagong kaso ang lalawigan ng Albay na mayroong 54 kung saan 16 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, siyam sa bayan ng Daraga, pito sa bayan ng Guinobatan, tiglima ang lungsod ng Ligao at Tabaco, tatlo sa bayan ng Bacacay, tigdadalawa ang mga bayan ng Malinao, Polangui at Sto. Domingo at tig-iisa ang mga bayan ng Camalig, Manito at Oas.
41 bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Masbate kung saan 13 nito ay mula sa Masbate city, anim sa bayan ng Bautan, tig apat ang Claveria at Esperanza, tatlo sa bayan ng Baleno, tigdalawa ang bayan ng Balud at Cawayan at tig-iisa ang mga bayan ng Cataingan, Mandaon, Milagros, Placer, San Feranando, San Jacinto at Uson.
Ang lalawigan ng Sorsogon ay nagtala ng 26 na bagong kaso kung saan 14 nito ay mula sa Sorsogon City, apat sa bayan ng Bulan, dalawa sa bayan ng Casiguran at tig-iisa ang mga bayan ng Barcelona, Castilla, Donsol, Guba, Irosin at Pilar.
Pitong bagong kaso ang nadagdag sa lalawigan ng Catanduanes kung saan isa nito ay mula sa bayan ng Bato at tigdadalawa ang mga bayan ng Caramoran, San Andres at Virac.
Isang kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte na mula sa bayan ng Daet habang may isang bagong kaso naman na nagmula sa labas ng rehiyon.
Umabot na sa 9, 407 ang total recoveries matapos madagdagan ng 92 kung saan 52 nito ay mula sa Camarines Sur, 30 sa Sorsogon at sampo sa Catanduanes.
Umabot na rin sa 478 ang death toll matapos madagdagan ng panibagong lima kung saan apat nito ay mula sa lalawigan ng Sorsogon at isa sa Catanduanes.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon. B-bawal ang walang mask; I-isanitize ang mga kamay, iwas hawak sa mga bagay-bagay; D-dumistansya ng isang metro at A-alamin ang totoong impormasyon.###

