NCR hospital utilization, nag-plateau na – treatment czar

Inanunsyo ni Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega na nakikita na nila ang pag-plateau ng healthcare utilization rate sa National Capital Region (NCR).

Inihayag ito ni Vega matapos palitan ng DOH ang daily COVID-19 case bulletin nito sa weekly basis na ngayon ay nakatutok na sa active severe at critical infections at sa intensive care unit (ICU) utilization.

Read More:  Castro rebukes VP Sara over ‘no money’ remark

Sa kabila nito ay tiniyak ni Vega sa publiko na gumagamit pa rin ang DOH ng parehong analytics pagdating sa pag-uulat ng sitwasyon ng mga ospital sa bansa sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Vega, naglalaro ang healthcare utilization rate ng bansa sa 19-20%.

Read More:  Defensor links VP Sara survey drop to impeachment silence

Noong Lunes ay naiulat ng DOH na meron 1,055 na severe at critical cases sa bansa, habang nasa 25.7% naman ang ICU utilization rate o 807 mula sa 3,138 na ICU beds sa buong bansa.

Cumulative totals ito na nakabase sa admissions noong March 6.