NCAA: Six-straight win nasungkit ng Letran kontra San Sebastian, 69 -50

Dinomina ng defending champion Letran ang San Sebastian, 69-50, para sa ikaanim na sunod na panalo nito sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament sa San Juan Arena noong Linggo.

Ang panalo ang nagtulak sa Knights sa solong pangalawa sa standing na may 9-3 record na isang laro lamang sa unahan ng Lyceum Pirates (8-3).

Read More:  Capital1 outlasts Akari in five-set thriller; Bella Belen erupts for career-high 35 points

Nag-unload ang Knights ng 10-2 run para kunin ang 59-42 lead sa nalalabing 4:44.

Nai-iskor ni Letran guard Fran Yu ang lahat ng kanyang 19 puntos sa second-half.

Read More:  Alyssa Solomon signs with Thailand’s defending champions Nakhon Ratchasima

Nagdagdag si Brent Paraiso ng 13 puntos maliban sa apat na rebound at tatlong assist para sa Knights.

Ang Stags (3-6) ay walang player na naka-double-figures kung saan sina Ken Villapando at Rhinwil Yambing na nakipagsabayan para sa kanilang koponan ay nakakuha lamang ng tig-walong puntos.