Hindi kumbinsido ang National Bureau of Investigation na nagkaroon ng inside job sa ‘Mark Nagoyo’ hacking incident.
Ayon kay NBI Cybercrime Division Head Vic Lorenzo batay sa kanilang karanasan at sa nakita nila kung paano isinagawa ang pangha-hack hindi sila kumbinsido na mayroong insider na kasabwat.

Paliwanag ni Lorenzo posibleng nakuha ng mga hacker ang mga impormasyon ng biktima sa pamamagitan ng ‘phishing’.
Dagdag pa nito na bagama’t hindi nila isinasantabi na posibleng may mga foreigner na kasama sa kremin, mas malaki ang posiblidad na gawa ito ng mga local hacker.
Una nang inanunsiyo ng Union Bank of the Philippines na natukoy na nila ang anim na personalidad sa hacking incident habang ang BDO naman ay nagsimula na sa reimbursement sa 700 kliyenteng nabiktima ng hacking.