KORONADAL CITY- BIBILI ang provincial government ng South Cotabato ng dagdag na dalawang traktora para sa Free Tractor Services program nito na ipinatutuoad ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAg.
Ito ang pinondohan ng mahigit sa P 3 million sa ilalim 20% ng 2021 Local Development Fund (LDF).
Maliban dito, naglaan din ang lalawigan ng pondo para sa pagbili ng apat na mga floating tillers o “bao-bao”.
Ngayong taon, mahigit sa 300 hectares na taniman na ang naserbisyuhan ng OPAg sa ilalim ng naturang programa.
Sa Free Tractor Services program, libreng pinapagamit ng provincial government ang mga traktora na may libreng krudo at tractor operator upang magtrabaho sa mga sakahan.
