NBI chief, nag-sorry sa viral na ‘sexy dancer’

Nag-sorry na si National Bureau of Investigation (NBI) Dir. Medardo de Lemos sa naging viral video kung saan ay mayroong isang babaeng sumayaw nang pa-‘sexy’ sa isa nilang mga event.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni de Lemos na humihingi sila ng paumanhin kung may na-offend man sa pagsasayaw ng babae doon sa viral video.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Aniya, malaki raw ang paggalang nila sa mga kababaihan at pinag-aaralan na nila kung papaano maparurusahan ang dapat maparusahan.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sinabi rin ng NBI chief na hindi ito bahagi ng kanilang command conference at ito ay parte lamang ng isang fellowship program.

Sa huli, sinabi ni de Lemos na walang public funds ang ginasta para sa ‘sexy dance’ intermission.