Pinayagan na ng Land Transportation Office na maituloy ang naudlot na pagdaraos ng libreng theoretical driving course sa Olongapo.
Ito ay pagkatapos na matanggap ang abiso mula sa main office na tuloy na ang barangay caravan pero sa halip na mga driving school ay mga tauhan na ng LTO Regional Office ang mangunguna sa seminar.
Ayon kay Ronald Navarette ng LTO SBMA, una nang natapos ang pa-seminar sa dalawang bayan ng Zambales bago pa ipinahinto ang pag-aalok nito sa mga gustong mag-apply hanggat hindi nareresolba ang usapin tungkol dito.
Inaasahan namang matatagalan pa bago magkaroon ulit ng panibagong pa-seminar sa Olongapo dahil limitado ang bilang ng tauhan ng LTO.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
