20 drug feformists at surrenderees, sasailalim sa 29-day organic agriculture training ng Tesda

Kasalukuyang sumasailalim sa organic agriculture production training ang mga drug surrenderee at reformist sa lunsod ng Cauayan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLT. Scarlette Topinio, tagapagsalita ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na katuwang ng kapulisan sa pagsasagawa ng naturang programa ang TESDA Isabela.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya, sasailalim sa 29 days training ang mga kalahok dito kung saan isinagawa kahapon ang opening sa community center ng barangay Alicaocao na dinaluhan ng mga kawani ng TESDA at personnel ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Magkakaroon din aniya ng lectures sa mga partisipante at pagkatapos nito ay tuturuan din sila nang aktwal na paggawa ng organic fertilizer.

Sinabi pa ni PLt. Topinio na makakatulong ang pagsasanay na ito sa mga kalahok dahil magagamit nila sa kanilang pagsasaka na pangunahing kabuhayan ng mga ito.