Inihayag ni Nato Secretary-General Jens Stoltenberg na maaring gumamit ang Russia ng chemical weapons, kasunod ng kanilang invasion sa Ukraine.
Ayon kay Stoltenberg, sa mga nakalipas na araw, may narinig silang mga pahayag hinggil sa chemical at biological weapons laboratories, bagama’t hindi ito malinaw at posibleng gawa-gawa lang.
Sa gitna nito, kailangan umano silang maging maingat, lalo’t may posibilidd na magplano ang Russia ng chemical weapons operations sa ilalim ng natuang fabrication lies.

Sa kabilang dako, sinabi ni President Volodymyr Zelensky na halos 1,300″ Ukrainian soldiers na ang napapatay na simula noong February 24.
Sinabi rin nito na ang Russia ay may 12,000 troops nang nasawi, taliwas sa pahayag ng Moscow na 498 palang ang kanilang death tally.