Panalo si Jimuel Pacquiao, ang panganay na anak ni boxing legend Manny “Pacman” Pacquiao, sa kanyang unang amateur bout sa United States.
Nakaharap ni Pacquiao sa San Diego si Andres Rosales, kung saan sa tatlong rounds lang ay napatumba na niya ito sa kanilang junior welterweight bout.
Tulad ng kanyang iconic father, ang 20-anyos na si Jimuel ay sinanay sa Wild Card Gym sa Los Angeles, ng Filipino trainer na si Marvin Somodio.

Matatandaan na nakuha ng batang Pacquiao ang kanyang amateur boxing license noong Disyembre.
Bagama’t nanalo sa naturang laban, batid ni Jimuel na may maibubuga pa siya, at nangakong patuloy na magsasanay.