Natitirang Mayon evacuees sa Guinobatan, Albay, dinecamp na

LEGAZPI CITY Cleared na at wala nang Mayon evacuees ang nananatili pa ngayon sa evacuation centers sa bayan ng Guinobatan, Albay matapos na i-decamp ang natitira nitong mga residente mula sa Brgy. Maninila.

Kinumpirma ito ng kanilang kapitan na si Artemio Ocsales sa Brigada News FM Legazpi.

Sa mismong panayam sakanya, sinabi niya na noong araw ng Linggo, Setyembre 24 pa ito sinimulang pauwiin.

Utos umano ito ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Paul Chino Garcia.

Aniya, nais na kasi ng mga residenteng makabalik na sakanilang mga orihinal na tahanan, kaya’t Sabado palamang ay nag-uumpisa nang maglinis ang mga evacuees at naghanda.

Nasa 533 ang mga pamilyang pinauwi mula sa nasabing barangay na nakatakda ring makatanggap ng ayuda.

Matatandaan, unang idinecamp ang mga evacuees mula sa mga barangay ng Tandarora at Muladbucad Grande noong nakaraang buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *