Nationwide transport strike ikakasa sa Oktubre 16

Magsasagawa ng nationwide transport strike ang transport group na Manibela simula Oktubre 16, para himukin ang gobyerno na aksyunan ang umano’y katiwalian sa loob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Manibela Chairman Mar Valbuena na nasa 240,000 tradisyunal na jeepney ang inaasahang sasama sa welga.

Bukod sa umano’y katiwalian, giit ni Valbuena na ang nakatakdang welga ay layon ding kumbinsihin ang gobyerno na lutasin ang mga injustices na kinakaharap ng mga driver ng public utility vehicle sa kalsada.

Samantala, nanawagan din siya para sa extension ng deadline para sa prangkisa ng tradisyunal na jeepney, na nakatakdang magtapos sa Disyembre 31.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *