Japan, naglabas ng tsunami advisory sa mga coastal areas

Naglabas ng tsunami advisory ang Japan para sa ilang coastal regions, kasunod ng ilang mababaw na lindol sa mga isla ng Izu sa Pacific Ocean.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, tumama ang tsunami waves na 60 centimeters sa isla ng Hachijojima, habang ang isa sa 40cm at 20cm ay naitala sa western Kochi prefecture at southern Miyazaki prefecture.

Kinumpirma naman ng JMA na walang pinsala silang naiulat, ngunit hinimok mga residente sa mga coastal area na lumikas, partikular na sa lungsod ng Tateyama ng Chiba.

Nagbabala ang opisyal ng JMA na si Toshihiro Shimoyama sa isang press conference na mapanganib sa dagat at malapit sa baybayin, kaya’t kung maari ay iwasan muna ang pagpunta rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *