Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, kasado na ngayong umaga

Sa Bgy. Estevez sa Casiguran, Aurora ang napiling ceremonial site para sa fourth quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw.

Matatandaang August 2, 1968 ng yumanig ang intensity 8 na lindol sa naturang lalawigan kung saan sinundan ito ng pagtama ng 3 metrong tsunami.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa isasagawang drill, magkakaroon ng earthquake at tsunami scenario na syang susubok sa emergency plans ng nabanggit na lugar.

Hininikayat ng OCD maging ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang publiko na makiisa sa Earthquake Drill

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Layon nitong itatak sa isipan ng lahat ang mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng lindol.

Ang programa ay magsisimula alas ocho ng umaga na susundan naman ng ceremonial pressing of the button ganap na alas 9 ng umaga.