Inanunsyo ng opisyal ng Department of the Interior and Local Government na maaring ma-implementa ang “Alert Level 0” status kung madedeklara bilang endemic ang COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III na ang ibig sabihin nito ay hindi na naapektuhan ng COVID-19 ang buong bansa.
Dagdag ni Densing, sa ilalim ng endemic ay ituturing na lamang na ordinaryong sakit ang COVID-19 na kailangang natin harapin araw-araw.
Iginiit ni Densing na kailangan rin makita na magiging kahalintulad na lamang ng mga ordinaryong flu cases ang percentage ng COVID-19 cases.
Gayunman, aminado si Densing na wala pang detalye ang gobyerno kaugnay sa pagpapatupad ng Alert Level 0.
