National Police Clearance System (NPCS), inilunsad sa bayan ng Brookes Point

Matagumpay ang launching ng National Police Clearance System (NPCS) sa bayan ng Brookes’ Point, Palawan ngayong Huwebes, April 26.

Ang pagbubukas  nito ay pinangunahan ito ni Mayor Jun Benedito kasama sina PMaj. Raffy Esperida ng Brookes Point PNP.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Naroon rin ang kinatawan ng BJMP, Philippine Marines at ilang kawani ng Lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito, ang alkalde ang kauna unahang nakakuha ng National police clearance sa ginanap na launching.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Samantala, maaari nang tumungo sa himpilan ng kapulisan sa bayan ng Brooke’s Point mula lunes hanggang Biyernes sa ganap na alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon para sa kinakailangang clearance.