Batay sa ipinalabas na tala ng PRO5, matagumpay na naaresto ng Sorsogon Police Prov’l Office ang aabot sa 373 na wanted persons simula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan.
Sa datos, lumabas na nagpang-apat ang lalawigan sa may pinakmaraming naaresto. Nanguna dito ang Camarines Sur na may naitalang 662 indibidwal, pumangalawa ang Albay na may 463 at Masbate na may 419.
Ang Sorsogon ay sinundan ng Camarines Norte na may naaresto wanted persons na umabot sa 323, Catanduanes na may 180 at Naga City na mayroong 159 na naarestong wanted persons.
Tiniyak naman ng PRO5 sa publiko na ipagpapatuloy nito ang mahigpit na pagsisikap na matunton at arestuhin ang mga wanted persons.
Nananatili umano ang matatag na misyon ng PNP na mabigyan ng hustisya ang mga biktima at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
