CAMARINES NORTE – Natuloy na ang pagsasagawa ng National Achievement Test (NAT) sa tatlong eskwelahan sa lalawigan ng Camarines Norte matapos maipagpaliban sa orihinal na schedule na January 30- 31 ng taong kasalukuyan.
Sa datos ng Department of Education 163 estudyante sa Senior High School ang nakatalang kumuha ng NAT12 mula sa Pambuhan High School, Lalawigan High School at Caringo High School lahat mula sa bayan ng Mercedes.
Nagsimula ito kahapon, February 2 hanggang ngayong araw.
Mababatid na ipinagpaliban sa orihinal na schedule ang NAT sa mga nabanggit na eskwelahan kasunod ng rekomendasyon ng Bureau of Education Assessment (BEA) dahil sa naranasang malalakas na pag ulan noong nakaraang linggo na nagdulot ng pagkasira ng spillway sa Pambuhan kaya hindi madaanan ang kalsada ng test administrators at majority ng test takers.
Bumuti na ang lagay ng panahon sa lalawigan makaraan ang halos dalawang buwan na naranasang malalakas na pag ulan.
Inalis na rin ng pagasa ang nakabanderang gale warning.
📷Nataniel Dela Roca
