Natanggap ng DepEd personnel na umano’y hindi na magandang kalidad ng bigas , iimbestigahan na ng NFA Camarines Sur

CAMARINES SUR- Iimbestigahan na ng National Food Authority (NFA) Camarines Sur Branch ang umano’y natanggap ng Department of Education personnel na hindi magandang kalidad ng bigas na bahagi ng One-Time Rice Assistance.

Sa panayam  ng Brigada News FM Naga kay Assistant Branch Manager Edgar G. Gadbilao, sinabi nitong nakarating sa kanila ang post sa facebook na may amoy na umano ang bigas , may bukbok, may namumuo-muo pa. Batid na rin nila kung saan ito pero i-viverify pa.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kung totoo man aniya papalitan ang bigas, sa libo-libong stocks sa bodega, hindi aniya nila masasabing 100% maayos ang kalidad ng isang buong sako lalo na nakaimbak. Ito nga aniya ang rason kung bakit may classifiers;  tinitinggan muna ang laman bago tanggapin ng identified government offices and beneficiaries. Sa ngayon 9, 803.5  bags na ang naipamahagi.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang One-Time Rice Assistance (OTRA) ay Administrative Order No. 2 ni Pangulong Marcos Jr., na magroong 25 kilo ng bigas ang mga qualified government workers/employees.