Mga Albayano, maaari nang makapag-avail ng calamity loan sa PAGIBIG kaugnay ng pagsasailalim sa lalawigan sa state of calamity dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng PAGIBIG Legazpi Branch na maaari nang kumuha ng calamity loan ang mga Albayanong apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ayon kay PAGIBIG Legazpi Branch head Gina Silerio, kasunod ito ng pgsasailalim sa lalawigan sa state of calamity dahil sa banta ng nasabing bulkan.

Aniya, lagi silang nakahandang magbigay ng loans sa mga apektadong indibidwal tuwing may kalamidad ngunit ito ay para lamang sa mga aktibo at kwalipikadong miyembro ng PAGIBIG.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sinabi ni Silerio, nagiging kwalipikado ang isang miyembro kung ito ay nakapag-remit o nakapag-contribute na sa PAGIBIG.

Ayon sa kanya, kahit pa mayroong existing calamity loan ang isang miyembro, maaari pa rin itong makapag-avail ng kaparehong loan basta’t updated o nakapag-contribute sila para sa anim na buwan.

Gayundin naman, kapag naman ang isang miyembro ay walang calamity loan, subalit mayroon existing multi-purpose loan, maaari pa rin nilang ma-avail ang calamity loan basta’t updated din ang nasabing existing loan.

Subalit, kung kaka-avail palamang umano ng isang miyembro sa multi-purpose loan at hindi pa nagsisimula ang deduction, hindi sila magiging kwalipikado para sa calamity loan dahil nakasaad sa polisiya na kinakailangang mayroon munang six months payment bago mag-avail ng iba pang loan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Samantala, sa mga interesado namang mag-avail ng calamity loan sa PAGIBIG, kinakailangan lamang magsumite ng accomplished application form na maaaring makuha sa kanilang opisina o kaya’y i-download sa kanilang official website.

Maliban dito, kinakailangan din ang valid ID at proof of income tulad ng payslip or certificate of net pay.