CAMARINES NORTE- Nagpasalamat ang pamunuan ng Camarines Norte State College (CNSC) Mercedes Campus sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) makatapos na mapili bilang isa sa limang benepisyaryo ng ipinamigay na bangka nitong Biyernes.
Ayon kay CNSC Mercedes Campus Director Dr. Manuel Alberto malaking tulong ang ibinigay na bangka sa kanilang mga estudyante.
Napaganda rin aniya ang timing nito dahil hinihintay ngayon ng eskwelahan ang ipapalabas na halagang isang milyong pisong proyekto para sa seaweeds research.
Ang bangka umano ay magagamit ng kanilang mga researchers.
Kumpiyansa rin si Alberto na matagal na magagamit ang bangka lalo na kung ito ay pag iingatan.
Isa lamang ang naturang eskwelahan sa limang nabigyan ng bangka ng BFAR.
Kabilang din sa benepisyaryo ng limang bangka mula sa ahensiya ay ang dalawang samahan ng maliliit na mangingisda mula sa Mercedes at Sta Elena gayundin ang dalawa pang indibidwal.
