Nasawi dahil sa Covid-19 umabot na sa 100 matapos na madagdagan ng 3

SORSOGON CITY – Inihayag ng Sorsogon Provincial Health Office (PHO) na tatlo pang pasyente ng coronavirus disease (Covid-19) ang nasawi, dahilan para umabot na sa 100 ang mga namatay sa virus.

Sinabi ng PHO na namatay ang isang 78-anyos na babae mula sa Brgy Bibincahan, 64-anyos na babae mula sa Brgy Barayong at ang 72-anyos na lalaki mula sa Barangay Bologo lahat mula sa lungsod ng Sorsogon.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Inaasahan naman na agad na isasapubliko ang pangalan ng mga biktima para sa mas mabilis na contact tracing sa lahat ng mga nakasalamuha ng mga ito.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Samantala, 26 na bagong kaso naman ang nairehistro habang 30 ang gumaling, kung kaya’t nanatili sa 281 ang bilang ng aktibong kaso sa buong lalawigan.