Duterte, di makikipag-cooperate sa ICC drug war probe- Palasyo

Iginiit ni presidential spokesperson Harry Roque na “legally erroneous” at “politically motivated” ang desisyon ni outgoing International Criminal Court Prosecutor Fatou Bensouda na humingi ng judicial authorization para imbestigahan ang sinasabing “crimes against humanities” sa ilalim ng war on drugs campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa press briefing ng Philippine National Police (PNP) ngayong umaga, sinabi ng kalihim na ito ay dahil walang hurisdiksyon ang ICC tungkol sa sinasabing crimes against humanity sa ilalim ng drug war ng administrasyon.

Aniya, hindi tinarget ng PNP ang mga sibilyan sa kampanya kontra droga at ang mga nasawi ay coincidental o collateral damage dahil mayroong karapatan ang mga pulis na depensahan ang kanilang sarili mula sa pag-atake o reasonable force sa ilalim ng principle of necessity at proportionality.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada calls DOJ plunder recommendation ‘unjust’

Kung magsasampa aniya ng kaso ang ICC, ang basehan ng ebidensya nito ay ang ibinigay ng mga kaliwa na pumapatay din umano ng mga ordinaryong mamamayan o ang mga New People’s Army (PA).

Binigyang diin ng kalihim na ang NPA ang dapat imbestigahan ng ICC dahil pumapatay ito ng mga Pilipino.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Binanggit ni Roque ang pag-atake ng NPA sa Masbate City kung saan nasawi ang isang college football player at ang pinsan nito.

Dagdag ni Roque, di kailangan ng bansa ang mga dayuhan para imbestigahan ang patayan sa drug war insulto umano ang hakbang ni Bensouda dahil mayroon naman tayong gumaganang justice system.

Sinabi ng Malacanang na di makikipag-cooperate ang Pilipinas sa ICC investigation dahil di na tayo miyembro nito. 

Dahil umano sa complementarity, kumpiyansa si Roque na ibabasura ng ICC pre-trial chamber ang hiling ni Bensouda na imbestigahan ang drug war.