Nasa mahigit 396k enrollees sa camarines sur balik eskwela na ngayon araw; seguridad ng mga estudyante tinitak ng pulisya

NAGA CITY- Balik eskwela na ang 396, 735 na mga estudyante sa Camarines Sur, ito ang pinakamataas na bilang ng enrollees sa Bicol Region para sa academic year 2023-2024 base sa tala ng Department of Education Bicol.

Pero ayon sa DepEd Camarines Sur, inaasahan pa nila ang pagdagdag ng mga enrollees sa pagbubukas ng pasukan. Aminado naman na may mga paaralan na hindi pa na-aabot ang target na 100% o higit pa.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samantala, sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMaj. Maria Victoria Abalaing, tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office na handa silang magbigay ng seguridad kahit na kaarangkada pa lamang ng gun ban at abala sa pagsisiguro ng kapayapaan sa paparating na halalan sa Barangay at Sanguniang Kabataan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon kay Abalaing, katuwang din nila ang mga force multiplier ng bawat barangay. Ang bawat Municipal Police Station ay may maaayos ring koordinasyon at relasyon sa LGU at sa kagawaran ng edukasyon.