Nasa isang libong estudyante sa isang pribadong paaaralan sa Naga, nag face-to-face graduation na; isa sa mga ito natulungan ng mga followers at listeners ng bnfm

NAGA CITY- Nasa isang libong mag-aaral sa Naga College Foundation ang nagtapos mula sa 9 na mga kurso kahapon.

Tema sa ika-75th Commencement Exercises ang 75 years of Building Up Affordable Quality Education through Compassion, Resilience and Innovations.  Natalakay sa mga talumpati ang hirap ng sistema ng buhay at pag-aaral sa kasagsagan ng pandemya at kung paano tumawid sa mga pagsubok bago maabot ang tagumpay sa kabila ng krisis.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Ayon kay NCF President Mario Villanueva, nangyari man ang inaasam-asam na face-to-face graduation, nilimitahan parin ang dumalo bilang pagsunod sa health protocols.

Samantala isa sa mga nagtapos ang natulungan ng mga followers at listeners ng Brigada News FM Naga, mga organisasyon at tanggapan ng pamahalaan na siSharlaine Marie Lumitao ng Barangay Calauag. Siya ang Bachelor of Elementary Education student na probemado noon kung saan kukunin ang nasa P39,000.00 na bayarin na naipon sa kasagsagan ng pandemya. Mahina ang benta ng inang nagtitinda ng kakanin at nawalan din ng trabaho noon ang ama.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Ngayon , umaabante na siya upang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.