Lolo na humalay sa isang menor de edad na babae sa Capalonga anim na taon na ang nakakalipas arestado

CAMARINES NORTE- Naaresto ng mga pulis Huwebes ng hapon ang isang lolo na akusado sa panghahalay sa isang medor de edad na babae sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Tata Maning”, 73 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Barangay Alayao sa naturang bayan.

Ayon sa ulat ng Capalonga Municipal Police Station, si Tata Maning ang akusado sa panghahalay ng dalawang ulit sa isang menor de edad na babae.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Naganap umano ito sa bahay mismo ng akusado noong Enero 6, 2016.

Ginawa ng mga tauhan ng Capalonga MPS ang pag aresto sa suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong RAPE in relation to RA 7610 o Child Abuse na ipinalabas ni Acting Presiding Judge Roberto Escaro ng RTC Branch 64 sa bayan Labo, Camarines Norte noong  pang June 1, 2016.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ang nasabing personahe ay nasa kustodiya na ng Capalonga MPS para sa kaukulang disposisyon.

Sa isang pahayag, muling binigyang diin ni Camarines Norte PNP Provincial Director PCol Julius Guadamor na walang puwang sa lalawigan ang mga taong lumapastangan at umabuso sa kahinaan ng mga kababaihan at kabataan.